Batas
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang batas, sa politika at hurisprudensiya, ay ang mga kumpol ng alituntunin sa pag-aasal na naguutos o nagbabawal (o pareho) sa isang natukoy na pakikipagugnayan sa pagitan ng mga tao at kapisanan. Kasama din dito ang mga kaparusahan sa mga hindi sumusunod sa mga nakatatag na alituntunin sa pag-aasal.
Sa etika at pilosopiyang moral, kadalasang tinatawag na "kodigo legal ng tao" ang ganitong uri ng batas upang ibukod ito sa mas fundamental na batas na maaaring ilapat sa lahat ng nilalang (metapisika, ontolohiya). Maaaring makita ang gayong mga batas bilang pinagtibay na legal na kodigong etika o bilang "kodigong moral na secular" (sa antas na napalitan ng mga pinunong politikal ang mga relihiyosong pinuno bilang halimbawang moral).