Dale Earnhardt
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Si Ralph Dale Earnhardt, Sr. (Abril 29, 1951 - Pebrero 18, 2001) ay isang beteranong drayber ng NASCAR mula 1975 hanggang sa kanyang kamatayan. Namatay siya sa isang aksidente sa final lap ng Daytona 500 noong Pebrero 18, 2001. Ipinanganak siya sa bayan ng Kannapolis, North Carolina sa Estados Unidos. Siya ay may 76 na panalo at 7 na Winston Cup Title. Nanalo siya ng 7 na NASCAR Champion noong 1980, 1986, 1987, 1990, 1991, 1993 at 1994. Ang anak niya na sina Dale Earnhardt, Jr. at Kerry Earnhardt ay mga drayber rin ng NASCAR Nextel Cup Series. Ang tatay niya si Ralph Earnhardt ay inatake sa puso at namatay noong 1973. Si Dale Earnhardt ay kilala rin "The Intimidator".
[baguhin] Mga Primary Sponsors ni Dale Earnhardt
- Wrangler - 1982-1987
- GM Goodwrench - 1988-2001