Ilang
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Sa heograpiya, ang isang desyerto o ilang ay isang anyo ng tanawin o rehiyon na tumatanggap ng maliit na presipitasyon. Sa pangkalahatan, nangangahulugan ang ilang bilang mga lugar na tumatanggap ng karaniwang presipitasyon na bababa sa 250 mm (10 pulgada).
Kilala ang mga ilang sa nakapaliit na pagsuporta sa buhay. Maaaring totoo ito kumpara sa mga mas basa na rehiyon, bagaman kadalasang may mataas na biyodibersidad ang ilang, kabilang ang mga hayop na nananatiling tago (lalo na kung may araw) upang mapangalagaan ang pagkabasa. Binubuo ng mga 20 bahagdan ng ilang ang ibabaw na lupain ng Daigdig.
May mga ilang katangian ang mga ilang. Kadalasang binubuo ito ng mga buhangin at mabatong ibabaw. Binubuo din ang maliit na bahagi nito ng mga buhanging duna na tinatawag na erg at mabatong (hamada) ibabaw. Karaniwan ang paglabas ng mga mabatong mga lupain, na sinasalamin ang maliit na pag-inam ng lupa at kakaunting pananim. Maaaring patag na natatakluban ng asin ang mga ilalim na lupain. May katulad na katangian ang mga malamig na ilang ngunit niyebe ang pangunahing anyo ng presipitasyon sa halip na ulan. Ang Antartika ang pinakamalaking malamig na ilang (binubuo ng mga 98 bahagdan ng makakapal na kontinental na sapin ng yelo at nakalitaw na mga bato ang 2 bahagdan). Sahara ang pinakamalaking ilang na mainit.