Lungsod Quezon
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Lokasyon | |
Mapa ng Kalakhang Maynila na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod Quezon | |
Pamahalaan | |
Rehiyon | Pambansang Punong Rehiyon |
Lalawigan | — |
Distrito | Una sa ika-apat na distrito ng Lungsod Quezon |
Mga barangay | 142 |
Kaurian ng kita: | Unang klaseng lungsod; mataas na urbanisado |
Alkalde | Feliciano "Sonny" Belmonte, Jr. (Lakas-CMD) |
Pagkatatag | Oktubre 12, 1939 |
Naging lungsod | Oktubre 12, 1939 |
Opisyal na websayt | www.quezoncity.gov.ph |
Mga pisikal na katangian | |
Lawak | 161.12 km² |
Populasyon | 2,173,831 13,492/km² |
Mga coordinate | 14°38' N, 121°2' E |
Ang Lungsod Quezon (Inggles: Quezon City, pinaikling QC) ay dating kabisera at ang pinakamataong lungsod sa Pilipinas. Matatagpuan sa pulo ng Luzon, isa ang Lungsod Quezon sa mga lungsod at munisipalidad na binubuo ng Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon. Ipinangalan ang lungsod kay Manuel L. Quezon, ang dating pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas na siya rin nagtatag ng lungsod at isinulong upang palitan ang Maynila bilang kapital ng bansa.
Hindi ito matatagpuan at hindi rin dapat ipagkamali ang lungsod na ito sa lalawigan ng Quezon, na ipinangalan din sa dating pangulo.
Bilang dating kapital, maraming opisina ng pamahalaan ang matatagpuan dito, kabilang ang Batasang Pambansa, ang upuan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas, na siyang mababang kapulungan sa Kongreso ng Pilipinas. Matatagpuan din dito ang pangunahing kampus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman.
Makikita rin sa Lungsod Quezon ang maraming malalawak na liwasan, nakahilerang puno sa mga daan, at maraming mga pook pang-komersyo na popular sa mga mamimili sa buong kalakhan. Karamihang binubuo ng mga residensyal na bahagi at maliit lamang ang mga lugar pang-industriya sa malaking siyudad na ito.
Mga lungsod at munisipalidad ng Kalakhang Maynila | |
Mga lungsod: | Kalookan | Las Piñas | Makati | Malabon | Mandaluyong | Maynila | Marikina | Muntinlupa | Parañaque | Pasay | Pasig | Lungsod Quezon | Taguig | Valenzuela |
Mga munisipalidad: | Navotas | Pateros | San Juan |