Malayang software
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang malayang software (Inggles: "free software" o "open-source software") kung tutuusin ay ang kalayaan ng isang user o gumagamit na paganahin (run), kopyahin (copy), ipamahagi (distribute), pag-aralan (study), palitan (change) at pag-igihin (improve) ang software. Mas tiyak, tumutukoy ito sa apat na uri ng kalayaan, para sa mga users o gumagamit ng software:
- Ang kalayaang paganahin (run) ang program, para sa anumang kadahilanan (kalayaan 0)
- Ang kalayaang pag-aralan (study) kung ano ang nagagawa ng program, at iayon ito sa iyong mga pangangailangan (kalayaan 1). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akses sa pinanggalingang code o source code.
- Ang kalayaang muling maipamahagi (redistribute) ang mga kopya para makatulong kayo sa inyong mga kapitbahay (kalayaan 2).
- Ang kalayaang pag-igihin (improve) pa ang program, at ibigay sa publiko ang mga pag-papaiging inyong isinagawa, upang ang buong komunidad ay makinabang (kalayaan 3). Kailangan dito ang pagkakaroon ng akses sa pinanggalingang code o source code.
[baguhin] Mga kilalang halimbawa
- GNU, GNU Emacs, GNU C Library
- Operating systems: GNU/Linux, FreeBSD
- Kernels: Linux, HURD
- Web browsers: Mozilla Firefox
- OpenOffice.org
- Databases: MySQL, PostgresSQL
- Apache
- GNOME, KDE
- Programming language compilers/interpreters: GNU Compiler Collection, PHP, Perl, Python
- MediaWiki (ang software ng Wikipedia)
[baguhin] Tingnan din
- Free Software Foundation
- Free Software Foundation Europe
- Free Software Foundation India
- Richard Stallman
- Eben Moglen
- Irish Free Software Organisation
- GNU General Public License