Oriental Mindoro
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Oriental Mindoro (Filipino: Silangang Mindoro; Kastila: Mindoro Oriental) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong MIMAROPA sa Luzon. Ang Lungsod ng Calapan ang kapital nito at sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng Mindoro; Occidental Mindoro ang nasa kanlurang kalahati. Sa silangan ng lalawigan naroon ang Dagat Sibuyan at Romblon. Sa hilaga ang Batangas sa ibayo ng Daanan ng Pulo ng Verde. Ang mga Pulo ng Semirara ng Antique ang nasa timog nito.
Kilala ang Oriental Mindoro sa mga tursita sa Puerto Galera. Ilang oras lamang ang munisipalidad na ito mula sa Maynila, at pinagmamalaki ang puting baybay-dagat at mga sinisisid na lugar. Para sa mga mahilig mamundok, nariyan ang Bundok Halcon.
Mga nilalaman |
[baguhin] Tao at kultura
Sa lalawigan ito nagmula ang kasalukuyang pangalawang pangulo ng Pilipinas at dating mamahayag ng ABS-CBN na si Noli de Castro. Galing siya sa bayan ng Pola.
[baguhin] Ekonomiya
Inaasahan ng Oriental Mindoro ang turismo, at nag-aani ng mga prutas para kumita.
[baguhin] Heograpiya
[baguhin] Politikal
Nahahati ang Oriental Mindoro sa 14 munisipalidad at 1 lungsod.
[baguhin] Lungsod
- Lungsod ng Calapan
[baguhin] Mga munisipalidad
|
|