Lungsod ng New York
Mula sa Tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.
Ang Lungsod ng New York (opisyal: City of New York; pinapaikling NYC) ang lungsod na may pinakamalaking populasyon sa Estados Unidos at nasa sentro ng pinansiya, politika, komunikasyon, musika, fashion, at kulturang internasyonal. Isa ang lungsod sa mga pinakamahahalagang lungsod pandaigdig sa mundo na kung saan matatagpuan ang malawak at halos walang karibal-ribal na koleksyon ng mga museo, galeriya, at venyung pantanghalan na uring pandaigdig o world class. Matatagpuan din dito ang karami-raming awtlets pammidiya, mga korporasyong internasyonal, at ang ilan sa mga pinakamahahalagang bolsa o stock exchange. Tahanan din ito ng lahat ng mga embahadang internasyonal sa Mga nagkakaisang Bansa na mismo ding nakahedkwarter sa lungsod.
Noong Setyembre 11, 2001, inatake ng mga terorista ang Lungsod ng New York gamit ang apat na na-high jack na eroplano. 3000 tao ang napatay sa atake sa World Trade Center kasama ang mga taga-New York na nagtatrabaho sa mga gusali at daan-daang mga bombero, pulis, at rescue worker na nakitulong sa kanila. Isang makapal at maaskad na usok ang bumuga mula sa wásak nito nang iilang buwan pagkaraan ng malaimpyernong pagguho ng Twin Towers. Nakaahon na muli ang lungsod mula non at natapos nang maaga ang pisikal na pagsasalinis ng ground zero. Ipapatayo ang Freedom Tower, na hinahangad na magkaroon ng taas ng eksaktong 1776 talampakan (isang makahulugang numero bilang ang taon ng pagkasulat ng Deklarasyon ng Paglaya ng Estados Unidos), sa kinatatayuan at yayariin ng mga 2006 hanggang 2010.
[baguhin] Kawing panlabas
- Mga pinta at guhit ng New York
- Galeriya ng mga litrato
- Galeriya ng ' New York' sa Itim at Puti
- air visit of all the borough of New York in photographs